Pdf Mga Wika At Dayalekto Sa Pilipinas
Sa talumpati ni Senador Pimentel sa Senado noong Setyembre 5, 2007, tinalakay niya ang kahalagahan ng rehiyonal o iba pang mga wika sa bansa para sa isang matatag na republika. Ayon sa kanya mahalagang mapanatili ang mga wika sa iba’t ibang panig ng bansa upang mapasigla at mapalaganap ang ating sariling kultura.
You can download them and use in all types of productions. Right now there is a bit of templates to choose from, but more projects will continue to be added over time. These project templates require Sony/Magix * Vegas Pro 11 or newer. Also check out our for Vegas Pro. Intro templates sony vegas pro. Enjoy, and let us know what you think in the comments below!
ANG ALPABETO AT ORTOGRAPIYANG FILIPINO: PAHAPYAW NA KASAYSAYAN Ang salita natiy huwad din sa iba Na may alpabeto at sariling letra Na kaya nawalay dinatnan ng sigwa Ang lundag sa lawa noong dakong una. Sa Aking mga Kababata Dr. Rizal Calamba, 1869 Ang mga pananaliksik ay nangagkakaisa na an gating mga ninunoy may sarili nang kalinangan at sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Bukod sa pagkakaroon na ng sistema ng pamamahal at kalakalan, sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatwid, mayroon na silang sistema sa pagsulat gamit ang kanilang alpabeto na tinawag nilang Alibata. Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat na katinig.
Sa ibat ibang lugar, ang mga simbulo ng Alibata ay may maynor na pagkakaiba, ngunit ang pinakamalawak na gamitin ay ang sumusunod: Kapag ang isang katinig ay may tuldok sa ibabaw, binibigkas iyon nang may kasamang tunog na / e / o / I /; halimbawa ay ang kasamang patinig ng katinig ay / o / o / 1 April M. Bagon-Faeldan Ph.D in Filipino Linguistics u /; halimbawa o / bu /. = / be / o / o / u /; halimbawa: = / bo / Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng di-mapagalinlanganng katunayan o katibayan na makapagpapatotoo hingil dito. Gayon man, ipinapalagay na malamang na tama ang teorya ni Padre Pedro chirino na ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan. Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan sa malalaking dahon sa lupa at mga bato gamit ang kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta. Mangilan-ngilan lamang sa mga ito ang umiiral pa sa kasalukuyan at matatagpuan sa mga museo sa ilang lugar. Bunga ito ng mapanirang gawain ng mga unang misyonerong Kastila na dumating sa ating kapuluan dahil ipinalagay nilang ang mga iyon ay gawa ng demonyo.
Ang ibang piraso ng literaturang pre-kolonyal ay naipasa sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan na lamang. Sa pagdating mga kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong Romano. Itinuturing ngang isa sa pinakamahalagang impluwensiya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating alpabeto. Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag nang pa-Kastila, alalaong bagay nakilala sa tawag na Abecedario. Ganito ang tawag sa mga titik sa Abecedario.
A B C CH D E /a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ K L LL M N /ke/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ S T U V W X /ese/ /te/ /u/ /ve/ /double u/ /ekis/ 1 April M. Bagon-Faeldan Ph.D in Filipino Linguistics F G H I J /efe/ /he/ /ache/ /i/ /hota/ O P Q R RR /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ Y Z /ye/ /seta/ Noong panahong iyon, naging palasak ang mga akda sa wikang Tagalog na nakasulat sa palabaybayan ng Kastila tulad ng kasunod na halimbawa. Cahinahinayang cung ito I maputi Cucupas ang bago, cukai mananacsi At yaong may ibig na magagcandili Cusang babayaan sa apagcaruhagi. - Mula sa Sa May Maga anac, Na Dalaga ni Modesto Santiago Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat. May mangilangngilan matatalino bagamat gumagamit ng Abecedario ay nagpasyang magsalamin ng tatak-Pilipino sa pagsulat. Isa sa kanila ay an gating pambansang bayaning si Dr. Sa kabila ng edukasyong Europeo at kaalaman sa ibat ibang wika ni Rizal, mainahal niya ng kanyang sariling wika.